Tatlong anak, pinatay sa saksak ng selosong ama

new-edison-reyes-tugis

Kaagad nagtungo sa kalapit na barangay hall si Marjorie upang humingi ng tulong na kaagad namang tinugunan nina Kagawad Albert Ela at tanod na si Reynaldo Marquez.

Sa panayam ng TUGIS kay Marquez, sinabi niya na una nilang inakala na away lamang ang dahilan ng kaguluhan subalit nang masilip nila ang duguang bangkay ng mga bata, ipinagbigay alam kaagad nila sa kanilang barangay Chairman na si Arnaldo Rotap ang pangyayari.

Ayon naman kay Chairman Rotap, tinangka niyang kabigin papasok ang pintuan ng bahay upang alamin kung may buhay pa sa mga biktima subalit nakakalang sa pinto ang nakahandusay at dugan ding katawan ni Rolando.

Nang dumating ang mga pulis mula sa Blumentritt/España Police Precinct sa pangu­nguna ni Sr. Insp. Philip Ines, kaagad nilang kinordon ang lugar habang hinihintay ang pagdating ng mga imbestigador mula sa Manila Police District (MPD) headquarters at mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO)

Hindi naman nagtagal ay dumating na rin si SPO1 Charles John Duran ng MPD Homicide Division na humawak sa kaso at dito niya natuklasan ang panganay na anak ng mag-asawa na si Jonel nasa itaas na bahagi ng double deck na kama na natatalukbungan ng kumot at wala na ring buhay.

Nakahandusay naman at may tama ng saksak sa dibdib si Rolando na humihinga pa kaya’t isinugod siya nina SPO1 Nestor Cabatu at PO3 Dindo Encina ng Police Station 4 sa Philippine General Hospital kung saan kaagad siyang nilapatan ng pang-unang lunas.

Ang ikalawang anak ng mag-asawa na si Junli ay may nalalabi pang hininga kaya’t dinala siya ng mga tauhan ng Philippine National Red Cross ambulance sa Jose Reyes Memorial Hospital bagama’t idineklarang dead-on-arrival sanhi ng tatlong tama ng saksak sa kaliwang bahagi ng katawan at isa sa kaliwang braso.

Sinabi sa TUGIS ni Chairman Rotap na batid na nilang mabubuhay si Rolando dahil nakita nila ang mababaw na tama ng saksak nito sa dibdib.

Ayon pa kay Chairman Rotap, sa ginawa nilang pag-uusisa sa katauhan ni Rolando kay Barangay Chairman Sunguard Pamilosa na nakakasakop sa lugar na unang tinirhan ng pamilya bago nalipat sa kanilang barangay, natuklasan nila na nahuhumaling din ito sa iligal na droga.

Gayunman, nang hilingin ni MPD Homicide chief Insp. Paul Dennis Javier ang pagsasa-ilalim sa drug test kay Rolando, lumabas na negatibo ito sa anumang uri ng metamphe­tamine o shabu at ng metabolites bagama’t positibong nakainom ng alak.