Tatlong hinihinalang Abu Sayyaf nalambat

Naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na wanted dahil sa kidnapping.

Kinilala ang mga suspek na sina Ibnus Isa alyas Jade, Amerudin Parasan alyas ‘Mudasier­’, at Abdel-Amin Bandahala alyas ‘Abu Black’.

Ayon sa operatiba ng NBI, naaresto sina Isa at Parasan sa Taguig City noong September 27 at sa Port Area sa Manila noong October 3, ayon sa pagkakasunod.

Si Bandahala naman ay nahuli sa Kawit, Cavite nitong October 11 at nakumpiskahan ng .38-caliber revolver with ammunition.

Nahaharap ang tatlo sa multiple counts of kidnapping at serious illegal detention dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa 2002 kidnapping sa mga miyembro ng Jehovah’s witness sa Patikul, Sulu at 2001 kidnapping ng mga manggagawa ng Golden Harvest sa Lantawan, Basilan.

Pinaniniwalaang kabilang ang tatlo sa 18 ASG members na wanted sa iba’t ibang krimen. (Lorraine Gamo)