
Nagsitagayan nang pak na pak na performances sina Justin Brownlee, LA Tenorio at Japeth Aguilar, at pinatahimik ng Ginebra ang Blackwater, 107-95, para itagay ang pangatlong sunod na panalo bukod sa pagsolo sa third spot ng Oppo PBA Governors’ Cup elims kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Muntik maka-triple-double si Brownlee sa nilaklak na 27 points, 9 rebounds at 9 assists, may double-double si Aguilar na 19 points at 11 rebounds, at may 23 markers pa si Tenorio sa Ginebra.
Nakaposte ang Gin Kings ng 12-puntos na bentahe sa third period 70-58, bago pinakaba pa ng Elite nang dumikit sa 76-73 9:59 sa fourth.
Pero muling umarangkada ang crowd favorite squad 107-89, mula sa malutong na jumpshot ni Tenorio.
“Our guys passed the ball well. Our so-called superstars are passing the ball,” suma ni Ginebra coach Tim Cone. “My worries about this one, this is a danger game for us coming from a long break and the All-Stars. All day today I was worried about this game, worried about (Eric) Dawson, worried about (Carlo) Lastimosa.”
May 26 points at 18 rebounds ang Elite import, naka-15 si Lastimosa. Pati ang 13 points at 11 rebounds ni JP Erram at ang 15-puntos ni Art dela Cruz ay napunta sa wala at hindi napigil ang Blackwater sa pagkabaon sa 1-3 katabla ang apat na teams pa sa seventh.
Akyat ang Gin Kings sa 4-1.
Malakas namang ipinagdiinan ni Meralco import Allen Durham ang pagbabalik ng pamatay na porma sa kinamadang 32 points at 12 rebounds para brasuhin ang Bolts sa pagsapaw sa Rain or Shine, 109-102, sa unang laro.
Nakabawi ang Meralco mula sa kambal na tilapon at umangat sa 3-2 sa solo-fifth. Bagsak sa 2-2 ang Elasto Painters.
May five assists, two steals at two blocks pa ang dating Grace Bible College standout, NBA D-League, French league veteran at 2014 Barako Bull reinforcement sa halos 41 minutes sa loob.