Minanduhan ng PBA Board ang Commissioner’s Office para umpisahan na sa susunod na season ang Tatluhan sa PBA Tournament sa pakikipagtulungan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas.

Sa unang plano, gagawin ang Tatluhan sa kabuuan ng taon.

Sinabi ni Commissioner Willie Marcial nitong Biyernes, na ang 12-member ballclubs ang pipili ng players ng kani-kanilang Tatluhan sa PBA teams.
Open sa applicants ang torneo, walang age limit. Puwedeng sumali ang mga undrafted applicants ng 2019 Annual PBA Draft at 2020 PBA D-League Draft.

May hiwalay na draft para sa Tatluhan tournament.

Awtomatikong magkakaroon ng tsansa ang mga drafted players dito na maging bahagi ng PBA team bilang practice player o sa kanilang active PBA roster. (VE)