Tatum ibinaon ang Pistons

Tatum ibinaon ang Pistons

Grabeng dominasyon ang ginawa ng Boston sa Detroit, nagawa na ngang ipasok ni Celtics coach Brad Stevens sa unang pagkakataon ngayong season ang undrafted two-way giant niyang si Tacko Fall.

Walang Gordon Hayward (sore left foot) at Marcus Smart (eye infection) at ina­lat pa ang shooting ni Kemba Walker, nailampaso ng ­Celtics ang ­Pistons 114-93 ­Biyernes nang gabi sa 74th NBA 2029-2020 regular season game.

Umiskor sina Jaylen Brown at Jayson Tatum ng tig-26 sa loob lang ng tatlong quarters para sa Boston. Nagdagdag si rookie Grand Williams ng career-high 18 points, nagbaba ng 18 rebounds si Enes Kanter.

Tinulungan pa ng Detroit ang Boston sa nilistang 25 turnovers. Na-outscore ng Celtics ang Pistons sa paint 58-34 at ‘di pinaporma sa rebounds 51-36.
Umiskor lahat ang 12 players sa lineup ng Boston. May dalawang pares ng free throws at 11 assists si Walker na 0 of 6 sa floor.

Sa third pa lang ay sumisigaw na ang crowd ng “We want Tacko!” at pinagbigyan sila ni Stevens sa kalagitnaan ng fourth.

“As the game was closing out, I knew I was getting in for sure,” ani Fall. “Then it was just a matter of going out there and having some fun.” (VE)