Balik na sa kani-kanilang mother teams sa PBA ang mga miyembro ng Team Pilipinas pagkatapos ng kampanya sa 2018 Asian Games sa Jakarta, at sa first window sa second round ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Fifth ang Nationals sa Asiad – nalagpasan ang 7th place finish noong 2014 sa Incheon – at 1-1 sila sa second round ng FIBA joust tungo sa 5-3 win-loss record overall.

Higit isang buwan ding nagsama-sama ang Team Pilipinas, kahit madaliang binuo ay nakapag-bon­ding ang players na hinugot mula sa PBA. Nag-break pa ang Governors’ Cup para bigyang-daan ang laro sa FIBA WC AQ.

Galit-galit muna ang Nationals, babalik sa kanilang mother teams para ituloy ang kampanya sa season-ending tournament.

Bago umpisahan ang hostilidad sa pro league, may mahaba-habang post sa Instagram si Asi Taulava (@agelessasi88) para pasalamatan ang kanyang “brothers” at coaches, PBA at ang mga boss sa Samahang Basketbol ng Pilipinas.

“I’ve been in dreamland the pass (past) 2 months. Just want to thank SBP Boss MVP, Boss AL, PBA Comm Willy Marical, Board of Governors, My NLEX Boss Rod, Boss Ronald and Coach Yeng for giving me the opportunity to serve our country again,” anang post ni Asi, sinamahan ng photos ng Team Pilipinas na naka-barong at naka-official uniform.

Sa edad 45 ay si Asi ang pinaka-senior sa squad, bago ang Asiad at FIBA ay naka-pitong tour of duty na sa National team.

“To all my brothers and Coaches it was an(d) Honor to serve beside each and everyone of you. To lil bro @gregslaughter and @saginghilaw15 get healthy soon fellas,” dagdag ng NLEX veteran big man.

“Till the next one and good luck with your mother teams,” dagdag ni Asi, nilagyan ang post ng hashtags na #OneTeamOneFamily #MyBrothers­Keeper #TeamPILIPINAS at #GilasPilipinas.