Mismong ang taumbayan ang magdedepensa kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng mga kasiraan na inilutang ng testigo ng Senado na si Edgar Matobato.
Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo na hindi na kailangang matunugan pa ng administrasyon ang tungkol sa paglutang ng Plan B, Plan C at Plan D na pumupuntiryang pabagsakin ang gobyernong Duterte.
Sinasabing bahagi ng Plan B ang paglutang ng testigo at ang Plan C naman ay ang paggamit ng mga media organization para idiin si Duterte. Ang Plan D naman umano ay ang tuluyang pagpapatalsik o impeachment laban sa Pangulo batay na rin sa naging pahayag ni Sen. Alan Peter Cayetano sa Senate inquiry.
“Alam po ninyo kahit hindi mo matunugan kahit hindi mo alam ang mga plano obvious na obvious ‘yan talaga ang balak, patungo talaga dun. Alam po ninyo pag kasinungalingan ang kinakalat nyo ang taumbayan po mismo ang nagbibigay suporta at depensa kay Pangulong Duterte.
Kaya kung napapanood ninyo o mababasa ninyo ang reaksyon ng mga tao whether sa actual o dyan sa internet e sila rin mismo ang nagtatanggol kay Pangulong Duterte. Sila mismo ang bumabanat sa testigong puro kasinungalingan,” pahayag ni Panelo.
“Kasi nga ang layunin sa likod ng pagtestigo ni Matobato ay pulitika talaga kaya gumagawa ng kasinungalingan. Gustong siraan ang ating Pangulong Duterte,” dagdag nito.
Sana
Panelo bo bo ka rin ba kami hindi tagapagtangol ni duterte,,gusto namin malaman ang totoo kaya huwag mo sasabihin tagapagtanggol ng masa sa duterte issue,,,magbasa basa ka
Isa kalang sa less than 10%! Siguradong makukuyog kayo, dahil handang ipagtanggol ng mga miliyon-miliyong supporter ni pangulong Duterte sa ano mang panganib o magbabalak na igupo ang pamahalaan.
Tolits63, for your information ay part ka ng taong bayan na sinasabi ni Panelo, pero hindi lang ikaw ang composition nito. Maging logical ka na ang ibig sabihin ni Panelo ay majority ng taong bayan yung nagtatanggol kay D30. Kailangan ginagamit din yung common sense kasi baka kalawangin mahirap ibalik sa original.
Maaring walang alam si Duterte sa manga salvage killing na yan pero People of the Phillippines ano ba ibig sabihin sa inyo Nang manga napapatay na kawawang manga pobreng pusher na nagagawa lang ito dahil sa kahirapan Nang buhay lahat ba sila halos isang libo ay manga nanglaban paano na yung manga pulis na nahuli bakit sila manga buhay yun manga generals na kinanta Nang Presidente bakit sila Malaya. Ano tingin ninyo panakip butas lang ba ang manga masang mahihirap na lulong sa droga o baka naman naglilinis ang manga tiwaling kapulisan na nasa matataas na puewsto alam kaya ni Gen. Bato Bato ito kayo na ang mag husga manga maka Duterte dahil alam ninyo ba hindi lahat Nang nag do droga ay masama ganyan din tayong manga tao hindi lahat ay mabubuti may masasama rin
Ang kahirapan hindi kasalan ng ating pangulo subalit tayo ang humarap sa kahirapan na umangat sa ating buhay at hindi sulosyon ang gumamit at magtulok ng druga para mahaon sa kahirapan gamitin mo ang iyong katawang lupa na binigay ng Dios na gumawa ng paraan makapagtrabaho at makahaon sa kahirapan. Kaya nga binigyan tayo ng Dios ng isip para magisip kung paano natin solosyonan ang mga prolema sa ating buhay. Nasa tao ang gawa at nasa Dios ang awa. kung ano ang iyong itinanim ay siya ring iyong aanihin.
Kupal ka!!!isa ka sa mga sampung porsiyento na ayaw kay Pangulong Duterte, lumayas ka na ng pilipinas kupal!!!!!o magpakulong ka na lang o kaya magpasagasa ka na lang sa pison bobo!!!!