Naririndi at puno na ang publiko sa naririnig na kaliwa’t kanang patayang may kinalaman sa giyera kontra droga.
Ayon ito kay Senador Panfilo Lacson kaalinsunod na rin sa resulta ng isinagawang survey kung saan lumitaw na nabawasan na ang bilang ng mga Pinoy na masaya sa pagpapatuloy ng giyera kontra ilegal na droga ng gobyernong Duterte at sa halip ay dumami ang gustong buhayin ang mga nahuhuling sangkot sa ilegal na droga.
Kaya naman, giit ng senador sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) na panahon na upang baguhin nito ang taktika sa kanilang kampanya kontra droga.
“I think the tactics employed is starting to reach its saturation point as far as the public is concerned. While the overall strategy is still effective, I think it’s time that the PDEA and PNP should make some adjustments in their tactical offensive,” ayon kay Lacson.
“The public have grown tired of hearing the same modus operandi over and over again.
The police must therefore show solutions to these DUIs and arrests must be made in considerable degree,” dagdag ni Lacson.
puro patayan na lang ang nakikita at naririnig mo sa news sa mga maliliit na mamayan na hindi naman siguradong may kinalaman sa droga. pero wala la naming nababalitaan na nahuling big time drug lord, kaya lumalabas na palabas na lang ng mga pulis ang laba sa droga.
Sa akin pabor ako dyan sa totoo lang sino ba ang talamak mga mayayaman ba.. sino ba ang nag hohold-up snatcher.. lahat un puro mahihirap. Ginusto nila un alam nilang mali pero ginawa pa din nila. Tas ngaun gagastos ang gobyerno para patau-an sila ng drug rehabilitation.. di nmn tama un sayang ung pera na igastos sa kanila. Dapat ubusin lahat ng aparato.. Maski hulihin mo lahat ng Drug lords may susulpot pa ding bago.. kase marami pa din ung consumer ng drugs. Unahin dapat ung mga user pag wala ng user sino ung mag bebenta.. At ang mga Drug Lords na yan di basta basta mahuhuli yan kase alam nila batas.. lahat ng dikampanilyang abogado kaya nila kunin. ang masakit pa for sure ung iba wala na sa pinas, at kung mayron man dito lahat ng ebedinsya na maka diin sa kanila tinapon na.. ganun cla katalino…
KUNG WALANG SUPPLIER, WALANG PAGKUKUNAN ANG USER, HINDI GANOON KARAMI ANG HUHULIIN NILA KUNG GUSTO NILA, KAYA LANG PABOR SA KANILANG PAGPAPABANGO SA KALOKOHANG GINAGAWA KAYSA GAWIN NILA ANG MAS NARARAPAT NA HULIIN ANG MGA DRUG SOURCE, KASO SILA PA NGA ANG PROTECTOR AT MALILIIT ANG SACRIFICE LAMB.
Sa ngaun indi ganun kadali hulihin ang supplier kase wala nmn sa kanila ung items may mga tauhan ang mga yan… un ang tinatawag na aparato. Maingat na sila ngaun, kase alam nila may palalagyan sila pag nahuli sila.. kaya ginagamit nila ang mga mahihirap kase ito ung mahilig sa Easy money, at nag papagamit din nmn sila. Ung mga Police na protector noon pa ginawa na nila yan kaso di lang ganun ka seryoso ung mga nasa pwesto noon. At alam mismo ng PNP yan… pag tinanggal lahat ng skalawag sa Pulis bka 10 pulis nlang ang matira sa PNP.
Para sa akin mas maganda at ipapatuloy ang kampanya kontra droga dahil kung hindi ito ipagpatuloy sigurado dadami uli at babalik nanaman ang problema ng pilipinas sa droga at marami na naman ang mare rape hold up patay akyat bahay gang..at mga grupo grupo.gusto nyo ba yan senador panpelo lacson?..eh paano kung asawa mo or anak mo ang mabibiktima sa mga adik na yan?.. saka ka naman mag porsige na ipagpatuloy ang kampanya kontra droga?
mga biktima sila ng bulok na sistima ng gobyerno.kung war on drugs yan dapat mga druglord ang hinuhuli at pinapatay asan ang mga binangit na pangalan ni du30 na namamayagpag sa droga…. nakakulong ba???
lahat tayo ay gustong matigil ang droga,cguro me tamang paraan, di ang patayin agad agad ang mga nahuhuling small time users, ang mahihirap(bihirang mahuli ang mga pushers?)Ang pagtuunan nila ng pansin ay ang source(China?) at mga big time drug syndicate(wala namng nahuhuli ganoong kilala at kaibigan pa ang iba?)Mga protektor ng droga. Alam nila sa PNP at mga pulitiko ang mga protektor daw ng droga, me nahuli na ba? CGuro hanggang nandiyan ang kahirapan parang prostitusyon din nandyan ang droga. Bakit di sila mag obserba sa thailand at latin maerican countries kung ano ang nangyari sa kanilang war on drugs? Bigyanng pansin din nila ang ekonomiya, dahil a totoo lang nakasawa na rin ang araw araw na patayan dahil daw sa drugs at walang hustisya sa mga napapatay. Ngayon paano kung me miembro ng pamilya ang aksidenteng napatay dahil sa maling paratang sa drugs, paano na?
bakit, sa siyam na buwang ginagawa itong giyera laban sa droga, nabawasan na ba ang krimen, araw araw ganoon pa rin kahit marami ang sinasabi nilang napatay sa ngalan ng droga. kaya marami na ang nawawalan ng tiwala sa ginagawang giyera laban sa droga na ang nagyayari ay ang walang pakundangan pagpatay ang nagnyayari.