Tawagan sa sabungan

Dalusapi, Elech Dawa

Mga klasmeyt may mga nag-PM sa akin sa Facebook account ko, nais ko sana silang sagutin doon pero marami po sila at nakakapagod kung isa-isa ko silang sagutin. Kaya ang sinabi ko na lang ay sa Dalusapi kolum ko na lang sagutin ang tanong nila at lumalabas ito tuwing Biyernes sa Abante Tonite.

Nakaraang buwan pa nagtanong sina Jo­bert Dela Cruz na taga-Cabanatuan, Ricardo Tamayo ng Baguio, at Lester Carpio ng Pangasinan, dalawang linggo ang nakalipas ay mga lima pang baguhang sabungero ang nagtatanong.

Sabagay, kahit ma­tagal na nagsasabong ay meron talagang hindi alam ang tawagan o logrohan at senyas kaya ang mga iba ay pumapago ng ala­nganin tulad sa Posyam, sasahod sila ng P200 kaya minsan ay tinatabla.

Subalit kapag natapat sa mga MANDURAGAS ay sige lang, sasakmalin pa rin ang pusta nila at saka nila lolokohin ang kapustahan. Mga Buset!

Alam niyo mga ka­sabong na nagtanong, pwede po kayo magpaturo sa mga kaki­lala niyong sabungero. Huwag kayong mahiya dahil kayo rin ang madudugas sa kuwentahan.

Ito po ang sagot ko sa inyo:

Meron – Llamado ang Meron – (100 tama 100) parehas lang.
Wala – Llamado ang Wala – (100 tama 100) parehas lang.
Lobe – (80 tama 90)-(400 tama 450)-(800 tama 900)
Posyam – (90 tama 100)-(450 tama 500)-(900 tama 1000)
Lo-dyis – (80 tama 100)-(200 tama 250) -(800 tama 1000)
Walo-Anim – (60 tama 80)-(300 tama 400)-(600 tama 800)
Onse – (80 tama 110)-(400 tama 550)-(800 tama 1100)
Lo-Tres – (100 tama 150)-(200 tama 300)-(1000 tama 1500)
Sampu-Anim – (60 tama 100)-(300 tama 500) (600 tama 1000)
Doblado – (100 tama 200) (200 tama 400) (1000 tama 2000)
‘Yung mga senyas ay paturo na po kayo sa mga kakilala niyong kristo.

***

Congratulations po sa mga tumanggap ng award sa katatapos na first Phoenix Siklab Youth Sports awards noong June 27 sa Century Park Hotel sa Manila.