Magkakaroon ng tax exemption ang mga negosyo at komunidad na tinamaan ng kalamidad kapag naisabatas ang panukalang inihain sa Senado.

Nakapaloob ito sa Senate Bill No. 653 o “An Act Providing for Tax Relief in Times of Calamity” ni Sen. Paolo Benigno ‘Bam’ Aquino IV.

“This measure seeks to relieve Filipinos of some taxes to encourage recovery after disaster,” paliwanag ni Sen. Aquino.

Sa ilalim ng panukala, may exemption ang mga komunidad sa pagbabayad ng real property kasunod ng pagdedeklara ng state of calamity.

Dagdag pa rito, hindi muna sisingilin ng income tax ang mga negosyong tinamaan ng kalamidad.

Bibigyan din ng exem­ption sa donor’s tax ang mga organisasyon, basta’t 90 porsiyento ng donasyon ay direktang mapupunta sa mga apek­tadong komunidad.

“Families affected by calamities need our help. Waiving taxes is one way the government can give them support and assistance,” giit ni Sen. Aquino.

May anim na lalawigan, 12 siyudad, 17 munisipalidad at dalawang­ barangay ang inilagay sa state of calamity dahil sa El Niño mula Pebrero 2015 hanggang Marso 14, 2016, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

One Response

  1. gunggong talaga tong si bam…bagay na bagay sa kanya pangalan nya..
    sa dami ng bagyong tumatama sa pinas eh para mo na ring sinabing lahat di na dapat mag TAX..
    …BAM