Pinasalamatan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang desisyon ng pamahalaan at ng Bureau of Customs (BOC) na tanggalan ng buwis ang ipinapadalang balikbayan box ng mga nasa 15 milyong overseas Filipino workers (OFWs).
Ayon kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant Peoples, ang hakbang ay pagmamalasakit ng pamahalaan sa mga OFWs upang mapagaan ang pasanin ng mga ito at makapagpadala nang maluwag sa kanilang pamilya.
Apela pa nito sa mga opisyal ng BOC na paigtingin ang kampanya sa mga empleyado na patuloy na nagnanakaw ng mga kagamitan sa mga balikbayan boxes.
Nabatid na sa darating na buwan ng Disyembre ilalabas ang bagong patakaran sa balikbayan box kung saan nakapaloob dito na ang 6 buwan hanggang 5-taon na nanirahan sa ibang bansa ay maaari nang magbitbit ng balikbayan box na may lamang iba’t ibang produkto na nagkakahalaga ng hindi lalagpas ng P150,000.
okay sila di magbayad ng tax kasi may mga remitances sila,.kayo kaya cbcp kelan kayo magbabayad ng tax?