Naniniwala si Senate Minority Leader Franklin Drilon na panahon na upang repasuhin ang tax system sa bansa.
Partikular na tinukoy pa ni Drilon ang pagrepaso sa tax incentives na ibinibigay sa mga negosyante dahil isa umano ito sa mga inaabuso.
“The tax system has to be revised. Conceptually, there is a need to review our tax system, including, by the way, a review of tax incentives granted to our businessmen, because this is one of the areas being abused,” ayon kay Drilon.
Paglilinaw pa ni Drilon, suportado ng Liberal Party (LP) ang itinutulak na tax reform measure ng pamahalaang Duterte kahit na sila’y nasa oposisyon.
“The tax reform package, in general, the LP is in support of the tax reform measure. To me it is about time that we review our tax base,” giit pa ni Drilon.
Una nang sinabi ni Drilon na handa nilang susuportahan ang mga panukala kung sa tingin nila ay nakakabuti para sa bansa kahit na sila’y nasa oposisyon.
“Panahon na raw” bakit ngayun mo lang naisip yan ang tagal tagal mo ng senador.
ganoon naman pala eh, bakit di ninyo madaliin wag nang mag patumpik-tumpik pa.