Taxi humarurot sa riles, sinalpok ng tren

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in damage to property ang driver ng isang taxi na Toyota Vios matapos humarurot sa riles ng Philippine National Railways (PNR) kahit may paparating na tren sa Barangay San Lorenzo, Makati City Linggo nang madaling-araw.

Batay sa nakalap na report, bandang alas-5:45 nang mada­ling-araw sa kanto ng Sen. Gil Puyat Avenue at Ayala Avenue sa Brgy. San Lorenzo nang mahagip ng tren na may body number MSC 458 at ino-operate ni Mark Jancent Dejona ang taxi na minamaneho ni Martino Etim Espiritu, 54-anyos.

Ayon sa imbestigasyon ni PSSg Severino Baggayan ng Makati City Police, papaliko ang taxi ni Espiritu sa Sen. Gil Puyat Avenue nang mahagip ito ng tren.

Batay sa pagsisiyasat, nahaharap sa asunto ang si Espiritu dahil nasa right of way ang tren na umaandar sa riles ng PNR. (Vick Aquino)