Tayo na sa Minalungao at mag-food trip!

Ang Probinsiya ng Nueva Ecija ay mara­ming mga nakatagong mga nature’s masterpiece na hindi lahat ng tao ay napuntahan na, isa na dito ang Minalingao National Park na matatagpuan sa munisipalidad ng Gene­ral Tinio, Nueva Ecija, Central Luzon na may dalawa hanggang tatlong oras ang biyahe mula sa Kamaynilaan.

Ang Minalungao National Park ay mayroong 16-meter high limestone na nakapalibot sa makitid na anyong tubig ng Peñaranda River, maliban sa maganda at malinaw na anyong tubig na ito ay patuloy pa ring idini-develop ang nasabing parke upang lalo pa itong maka-akit ng mas marami pang mga turista.

May makikita ring mga cottages sa palibot ng lugar, mga local guides at maging mga tindahan na malalapit kung saan ay pwedeng makabili ng mga pagkain at inumin.

PAANO MAKARATING SA MINALUNGAO

PUBLIC TRANSPORTATION:

Sumakay ng bus na may biyaheng Gapan/Cabanatuan, may mga bus na bumibihaye ng Manila – Cabanatuan sa Cubao at Pasay, nasa P150 – P200 din ang pamasahe na nasa 2 hanggang 3 oras ang biyahe.

Pagdating sa Gapan sumakay ng pampasaherong jeep na patungong General Tinio.

Sumakay ng tricycle papuntang Minalungao Park na nasa P50 rin ang pamasahe.

Pwede ring makapag-arkila ng tricycle mula sa Gapan diretso papuntang Minalungao, yun nga lang nasa P500 hanggang P600 ang bayad dun na may estimated travel time na isa hanggang isa’t kalahating oras

PRIVATE TRANSPORTATION:

Dumaan ng NLEX papuntang Norte sa Sta. Rita.

Kumanan papuntang Candaba – San Miguel Road hanggang sa makarating sa Bucana, Gapan.

Nasa apat hanggang limang oras din ang estimated time dahil na rin sa baku-bakung mga kalsadang dadaanan papunta doon, mayroon mga parking area na makikita pagdating doon na nasa may picnic grounds at pwede ang lahat ng uri ng mga sasakyan na iparada.

At huwag mag­alala kung mga first timers pa lang kayo, may mga local tour guides sa lugar na available ano mang oras kayo dumating lugar, huwag din magugulat kung mga binatilyo at dalagita pa lamang ang maga-approach sa inyong mga tour guide, yung iba sa kanila ay nagtatrabaho na bilang tour guide para makapag-aral.

Malaki rin ang naitutulong ng mga kinikita nila para sa gastusin ng kani-kanilang mga pamilya, master na master na nila ang lugar kaya’t hindi kinakailangan mangamba at mga malulupit na swimmer ang mga ito.

Kung meron naman kayong sobrang dalang budget e, i-hire niyo na sila, bukod sa mapapasaya niyo ang mga kabataang ito ay makakatulong pa kayo sa kanila at sa kanilang mga pamilya.

At pagdating sa Minalingao, YEEEEEHEEEEEY!!! ito na ang mga pwedeng gawin.

Pagbabalsa ng Kahoy o Rafting

Nasubukan ninyo na ba ang sumakay sa kawayan na may lamesa pa at Nipa Hut habang nasa ibabaw ng kalmadong tubig ng Peñaranda River na napapaligiran ng limestone cliffs sa ilalim ng init ng araw? kung hindi pa, ay ito ang perpektong lugar para sayo!

Pwede doong kumain at magsound-trip at i-enjoy ang buong araw ninyong paglalamyerda, nasa P500 hanggang P600 lang ang makukunsumo depende na rin laki ng aarkilahin ninyong raft.

Cliff Diving /Jump

Kung trip mo na tumalon sa cliff at mag-dive ay marami ditong mapagpipiliang talunan, hahahaha! pero mag-ingat naman ng napakadami, safety first pa rin! pwede mo ring tanungin ang inyong guide para sa perfect spot na pwede sa inyo.

At ang malupit dito ay…. FREE ito.

Trekking / Hiking

Pwede ring mag trekking at hiking ng nasa mahigit isang libong hakbang patungo sa grotto at glass cross, for FREE din ito!!

Caves

Ito madali lang gawin, pinaka madali nga ito actually, sa hagdan na may yari sa lubid na hawakan ang inyong aakyatin para makara­ting sa taas ng madali.

Doon niyo marara­ting ang cave na may hagdan pa din kaya’t safe pa rin talaga, syem­pre kakailanganin niyo ng flashlights at pagdating niyo sa kabilang bahagi ng cave ay isang mala-paraisong view ang inyong makikita.

Ang masaya pa dito ay for FREE din ito. hehe!

Zip Line

Isa pang masayang gawin dito ay ang sumakay sa zipline, kapag nasa kasadsaran ka na nito ay isang napakagandang tanawin ang makikita mo na kung may fear of heights ka man ay mawawala ang takot mo.

Nasa P150 ang halaga nito, two way na yun!

Tumawid ng hanging bridge

Libre lang ang pagtawid sa hanging bridge, ang malupit pa dito ay doon mo makikita ang pinakamagandang anggulo ng limestone cliffs, so syempre kailangan mong magdala ng camera, minsanan lang yun e.

Swimming

At syempre, Summer, so ang talaga namang pa­kay ay ang mag-swimming upang maibsan ang malupit na init na panahon.

I-enjoy ang masarap at malamig na tubig ng Peñaranda River at ang masaya pa dito ay for FREEEEE din ito.

FOOD TRIP!!

Karamihan sa mga pumupunta doon ay nagdadala ng sari-sarili nilang mga pagkain at nagpi-picnic sa gilid ng ilog o sa mismong raft pero kung hindi naman kayo makapagdadala ay may mga maliliit na mga kainan doon na swak sa budget.

Isa sa mga ipinagmamalaking pagkain sa lugar ay ang PINAPAITAN na may alibangbang o butterfly leaves, syempre dahil sa Pinapaitan ito na ang karaniwang halo ay mga lamang loob ng kambing ay sakto ito pangpulutan.

Pero hindi katulad ng mga karaniwang papaitan ay medyo kalasa ang Pinapaitan ng sinampalukang manok.. (hmmm katakam-takam!!) karaniwang isini-serve ito sa wooden plates na may dahon ng saging.

Isa rin sa mga pinagmamalaking putahe doon ay ang ENSALADANG LABANOS o pickled ra­dish salad, biya at crayfish na nakabalot sa dahon ng saging.

Mabili rin sa lugar ang INIHAW NA LIEMPO na bagama’t marami namang nakakaing ganoon dito sa Kamaynilaan ay patok pa rin doon dahil sa mga secret ingredients nila.

At naroroon ka na rin lang ay huwag na huwag mong kakalimutan na subukan ang TINIIM NA MANOK o chicken tiim na gamit ang mga native na manok at niluto ng may katagalan sa karaniwan dahil na rin sa mababang temperatura ng apoy, sa malapot at malinamnam na sarsa nito na minarinate sa pinya o suka, patis at iba pang spices tulad ng oregano, star anise at cloves ay siguradong mapaparami ka ng kain.

So, ano na? nagiisip ka pa rin ng magandang lugar na mapupuntahan ngayong Summer, dito na sa Minalungao Park, bukod sa napakalapit lamang ay mura lang ang makukunsumo bukod pa sa karamihan sa mga mai-enjoy na adventures dito at LIBRE lang na magagawa.

TARA NA SA MINALUNGAO AT MAG-ENJOY SA GANDA NG KALIKASAN!!