Taytay sports complex pinasinayaan

Pinasinayaan na ang kikilalaning world-class sports complex sa Taytay, Rizal na nilaanan ng P721-million sports complex sa may 8.5 hectares na pag-aari ng local government unit (LGU) sa Barangay Muzon.

Pinangunahan nina Senator Bong Go at Taytay Mayor Mayor Joric Gacula ang naganap ang groundbreaking ceremony kamakailan kung saan sisimulan ang first phase ng proyekto sa January 2020 at inaasahang matatapos sa 2022.

“Ito nag-earth-moving na sila, after this groundbreaking siguro mag-start ‘yan mga January na iyong first phase matatapos by 2020 tapos 2021 ‘yun next phase, so before 2022 tapos na ‘yan,” ayon kay Ma­yor Gacula.

Ang state-of-the-art sports complex ay dinisenyo ng international architect na nilagyan ng olympic-size swimming pool, grandstand, oval, at quarters para sa mga atleta.

Ang first phase ay itatayo ng regional public works and highways na nilaanan ng P300 milyon.

“Nu’ng nalaman ni Congressman Jack Duavit na meron nyan ay agad-agad nag-ambag siya ng P50-million for this year para lang masimulan lang at ang gagawa naman nun ay iyong ating Rizal Engineering District 1,” paliwanag ng alkalde. (Vick Aquino)