Tchuente, Torres, FEU inararo ang Adamson

NAGTULONG sina Cameroonian import Pat Tchuente at rookie Xyrus Torres para iangat ang Far Eastern University (FEU) Tamaraws sa 83-71 triumph kontra Adamson University (AdU) Soaring Falcons sa second game kagabi ng 82nd UAAP men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena.

Ito na ang pinakamagandang performance na ginawa ni Tchuente matapos gumawa ng 21 points kasama ang 19 rebounds para wakasan ang ikalawang sunod na talo ng FEU.

Matindi rin ang opensa ni Torres na nagbaon ng limang tres sa 12 pukol tungo sa career-high 21 markers upang iangat ang koponan sa 3-4 panalo-talo kartada kapareho ng biktimang Adamson.

“It wasn’t really easy to comeback from our previous loss,” ani team consultant Nash Racela sa post-game interview. “All we wanted is to win our last game in the first round, so that was the very objective playing to this game.”

Hindi umubra ang 14 points ni Val Chauca para sa Adamson, maging ang 11 markers at 16 boards ni Congolese Lenda Douanga. (Aivan U. Episcope)