TEAM STANDINGS W L
TNT 7 1
NLEX 7 1
Meralco 5 2
Ginebra 5 2
San Miguel 5 3
Magnolia 4 4
Columbian 4 5
NorthPort 3 4
Alaska Milk 2 6
Phoenix Fuel 2 6
Blackwater 2 7
Rain or Shine 2 7

‘Di nasayang ang triple-double ni Justin Brownlee tapos manganib ang Barangay Ginebra San Miguel bago nailigwak ang Blackwater, 101-93, upang makisalo sa ikatlong puwesto sa 44th PBA Governor’s Cup 2019-2020 eliminations Miyerkoles ng gabi sa Cuneta Astrodome.

Muntik mabalewala ang tinagay ng BGSM import na 17 points, 12 rebounds at 11 assists dagdag pa ang 2 steals upang itulak ang crowd favorite sa ikalimang panalo sa pitong laro at makisalo sa Meralco sa katayuan.

Itinarak ng Ginebra ang pinakamalaking 21 puntos na kalamangan sa third quarter, pero bumalikwas ang Elite hanggang sa apat na puntos na lang na hinahabol bago muling binitbit ni Browlee ang kanyang koponan na hinila ang biktima sa 2-7 katabla ang Rain or Shine sa ika-11.

“I just did what I had to do with my team,” ani Brownlee.

Limang Gin Kings pa ang umiskor sa double digits sa pangunguna ni LA Tenorio na may 20 markers, sunod si Japeth Aguilar na may 18 puntos at 8 rebounds, Stanley Pringle na may 16, Greag Slaughter na naka-11 puntos at 11 rebounds at Earl Scottie Thompson na may 10 puntos.

Ang iskor:
Ginebra 101 – Tenorio 20, Aguilar 18, Brownlee 17, Pringle 16, Slaughter 11, Thompson 10, Dela Cruz 6, Chan 3, Caguioa 0, Mariano 0.

Blackwater 93 – Belo 19, Parks 14, Sumang 12, Cruz 11, Heruela 8, Blakely 8, Sena 6, Al-Hussaini 6, Desiderio 3, Canaleta 3, Tolomia 3.
Quarters: 29-17, 55-44, 77-64, 101-93. (Lito Oredo)