Pinili na lamang umano ng guro sa Ajuy, Iloilo City na mag-resign sa trabaho makaraang pumutok ang isyu na pinanuod nito ng malaswang video ang kanyang mga estudyante na nasa grade 10.

Kinumpirma ng Department of Education (DepEd) na naghain na ng resignation ang lalaking guro sa Pili National High School at epektibo kahapon, Miyerkoles.

Nais diumano ng guro na magkaroon ng katahimikan matapos maugnay sa nasabing isyu.

Samantala, isasailalim umano sa psychosocial talk ang mga estud­yante na nakapanood ng video para malagpasan ang posibleng negatibong epekto nito.