Teachers’ Day: Guro niregaluhan ng manok ng estudyante, viral!

Walang sinabi ang flowers, chocolates, cakes at balloons sa kakaibang handog ng isang batang estudyante sa kanyang titser.

Sa Facebook post ng guro na si Talon Claude, na-touch ito sa pang-Teachers’ Day na regalo ng isa niyang estudyante.

Aniya, isang native manok ang binigay sa kanya ng estudyante.

Para sa kanya, hindi mahalaga kung mamahalin o mura lang ang halaga ng binibigay na regalo, “it’s always the thought that counts.”

“Wala Yang flowers, chocolates, cakes and balloons niyo sa Native Manok ko! Hahaha.. Thank you LEGASPI. Pinaka Happy Teacher si maam. It doesn’t matter how expensive or how cheap it is. It’s always the thought that counts. H a p p y T e a c h e r s D a y!! Flex ko po si baby Chickie,” sabi ni Claude sa post. (Issa Santiago)