Ariba ang sabong mania ngayong Linggo, sa iconic Smart Araneta Coliseum, ang “2019 World Slasher Cup 9-Cock Invitational Derby” na patuloy na humahatak ng mga liyamadista at dehadista.

Larga ngayon at bukas ang 4-cock finals (2, 2.5, 3 at 3.5 points).Sa mga umiskor ng 4, 4.5 at 5 points, sa Miyerkoles, Feb. 6 ang grand finals.

Ilang kasali ngayon: Bulldog Feb. 8 Pasay, EVGF Oliver, Utol C3, Winstar, Florenda 4 -Cock Mar. 7, Triple J Farm, Gas Farm Cabanatuan, Oliver Dhee 2, Viva Kapata Double A BMY, Arayat, SMC Circuit 2019, Hustler, Baruko, M3 A6NB, Ripper 59 Sinag, Little Prince Risk Taker, Roan Blades of Glory, T1, Yellow Rose at Macking Rolly.

Host ang Pintakasi of Champions sa WSC 1 na may matibay na suporta ni TV host Manny Berbano (Tukaan sa TV5, Linggo, 8 a.m. hanggang 9 a.m.).

Ang ibang sponsors: Thunderbird, Empera­dor, Powertrac, Pitgames Media Inc. at Sabong Pilipinas.