Team Harot, nag-Open Letter sa junjun ni Alden

PAALIS pala next week sina Alden Richards at Maine Mendoza papuntang Morocco.

Mga five days yatang mawawala ang AlDub para sa photo shoot ng anniversary issue ng Mega Magazine.

Sosyal ang Mega, may budget sa mga destination shoot na ganito.

Ang alam namin ay na-shoot na rin nila abroad ang JaDine at ang KathNiel. Ngayon ay AlDub naman.

Ilang araw lang ang Morocco bonding nina Alden at Maine pero sana ay makaikot at makapa­syal din sila kahit paano.

Dinadayo ng mara­ming turista ang nasabing exotic country na nasa North Africa. Siguradong excited ang dalawa dahil first time nila roon.

Dahil tuloy pa rin ang kalyeserye ng Eat Bulaga, mukhang isasama sa kuwento ang pag-alis nina Tisoy at Menggay dahil si Lola Nidora (Wally Bayola) ay niregaluhan sila ng plane tickets.

Sobrang na-excite na naman ang AlDub Nation sa nalalapit na biyahe ng dalawa.

Kahit mami-miss daw nila ang AlDub sa kalye­serye ay masaya sila dahil alam nilang magkasama ang dalawa at hihintayin na lang nila ang updates mula sa Morocco.

***

Nu’ng isang araw ay napa-trending ni Maine sa Twitter ang #NoMoreSkinnyJeansAlden kaya walang choice si Alden kundi sumunod sa usapan nila na hindi na siya magsusuot ng skinny jeans.

alden-richards
           ALDEN RICHARDS

Ayaw pala kasi ni Meng na nagsusuot ng ganu’ng hapit na pantalon si Tisoy, kaya pabiro siyang umapela sa mga nanonood ng Facebook Live session nila na kapag napa-trend ang nasabing hashtag ay hindi na magsusuot ng skinny jeans si Alden kahit kailan.

Nagpramis si Tisoy na gagawin niya ‘yon.

Ayun, nag-#1 sa trending topics sa Twitter, kaya feeling victorious ang Menggay sa katuwaang pustahan nila.

Kahapon ay hapit pa rin ang jeans na suot ni Alden, pero pinakita niya pa sa FB Live ‘yung eti­keta nito na ang nakasulat ay ‘slim straight’ jeans at hindi skinny.

May mga nangangantiyaw kay Tisoy na naka-skinny jeans pa rin siya.

Nakakatawa ‘yung hirit niya na hindi na raw siya mag-i-skinny jeans, kasi nakakamatay raw pala ito.

May mga fans kasing nag-comment na masama ang masyadong pagsusuot ng ganu’n kahapit na pantalon dahil bukod sa naiipit daw si JUNJUN ay naaapektuhan ang SPERM CELLS ng lalaki ‘pag laging naka-tight fitting jeans.

Meron namang iba na nalungkot dahil bet na bet nilang naka-skinny si Alden dahil may mga PABAKAT at PABUKOL ito minsan kapag fit-fit-an ang pantalon.

Kemeng emowt ni Alden, ano na lang ang susuotin niya? Salawal? Brief?!
Kuwela ‘yung nabasa naming open letter keme para sa Junjun ni Alden…

“Dear Junjun, medyo matagal-tagal ka din naming nasilayan. Sala­mat sa mga panahong napapasaya mo kami, sa mga panahong nagpaparamdam at nagpapakita ka.

“Salamat sa mga masasayang alaala. Nagsa­lita na ang AlDub Nation. Hanggang sa muli nating pagkikita. Mami-miss ka namin.

“P.S. Silip-silip ka din minsan.
“Nagmamahal, Team Harot.”
Ha! Ha! Ha!