Team Hidilyn sapol ng budget cut

Inaasahang maaapektuhan ang paghahanda ng national athletes, isa ang naghahabol sa ikaapat na niyang Summer Olympic Games na si weightlifter Hidilyn Diaz dahil sa paghihigpit ng sinturon sa badyet ng Philippine Sports Commission (PSC).

Silver medalist sa 2016 Rioo de Janeiro Olympics at isa sa may malaking tsansang makapagbigay ng unang gold medal sa bansa sa quadrennial sportsfest mula pa noong 1924 ang Pinay lifter, na ay may kasamang anim kataong koponan na may hiwalay na allowance sa ahensiya ng gobyerno para tulungan ito sa kanyang preparasyon.

“Hidilyn Diaz has a Chinese coach and another one she added on her team. She is the only athlete with a team of six,” paliwanag ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez, sa nutritionists, strength and conditioning, psychologists, masseur at physical therapist ng barbelista.

Nagdesisyon kamakailan ang PSC ng cost cutting measures dahilan sa kawalan ng pumapasok na pondo para sa National Sports Development Fund (NSDF) na mula sa iba’t-ibang pinagkukuhanang kapwa government agency rin.

Maliban sa pagkaltas ng 50% sa buwanang allowance ng athletes at coaches, binaklas ng PSC ang coordinators sa buong bansa, pagtapos sa kontrata ng ibang foreign coaches bilang hakbang sa pagtitipid.

Aminado ang PSC na makakatipid sa pondo dahil ang foreign coaches ay tumatanggap ng mahigit $600 para sa mga Asian at $900-$1,200 para sa Europeans.

Pinanapos ni Ramirez ang posibilidad na agad na pauwiin si Diaz na stranded sa Kuala Lumpur, Malaysia dahil sa Cvid-19 pandemic lalo’t nagluwag na sa restrictions. (Lito Oredo)