Pati pato’t panggulo, itataya ng Team Manila–Philippines laban sa defending champion Central Hemet Xplozion sa final showdown ngayong tanghali (Manila time) para sa korona ng 2017 PONY International 18-U Girls Softball World Series sa Diamond Valley Park ng Valley-Wide Recreation District sa Hemet, California.

Tinuruan ng leksyon kahapon ng PHL softbelles ang East Helmet Screaming sa 10-0 four-inning regulation decision tu­ngo sa fourth consecutive victory at pamamayagpag sa Pool B competition.

Pinasibat ng 2017 West Zone titlist CHX ang San Bernardino Bombers sa isa pang Final Four game.

Humambalos ng pang-apat na magandang laro si standout pitcher Alma Tauli sa pamamagitan ng four strike outs at four no-run innings.

“Inaasahan natin na lahat ng players mag-step up sa final dahil hindi natin puwedeng sayangin itong opportunity na ito, all-out na tayo dito,” giit ni coach Anna Santiago sa team na suportado ni Manila Mayor Joseph Estrada at ng ICTSI.

Tinalupan ni short stop Angelu Gabriel ang run mula sa RBI ni center fielder Christine Bautista kasunod ang tig-isa buhat kina right fielder Khrisha Cantor at catcher Aliza Pichon buhat sa palo ni left fielder Jojielyn Lim para sa 3-0 lead.