Nakakuha ng puntos ang ‘Team Olivarez’ matapos i-indorso ito ng Iglesia Ni Cristo (INC) local, na naka- base sa lungsod ng Paranaque bilang ibobo- tong mga kandidato ngayong Lunes (Mayo 13), araw ng halalan.
Pinangunahan ito ni re-electionist Paranaque City Mayor Edwin Olivarez; kasama ang kapatid nito na muling kumakandidatong kongresista na si Eric; re-electionist Vice Mayor Rico Golez at ang 16 na kandidatong konsehal mula sa 1st at 2nd districts.
Nitong Biyernes ay isinagawa ang miting de avance ng team Oli-varez sa Brgy. La Huerta ng naturang lungsod kung saan dinagsa ng libo-libo nilang supporters ang nasabing miting de avance, dahilan upang magdulot ito ng trapik sa natu-rang lugar.
Ipinahayag ng alkalde at ng kanyang grupo na ipagpapatuloy nila ang mga programang higit na pakikinaba-ngan ng mga taga-Paranaque lalo na ng mga maralita at parating kapakanan nila ang uunahin.
Mariin nitong sinabi na hindi sila matitinag sa mga paninirang ginagawa sa kanilang ng kanilang mga kalaban sa politika.
Malinaw naman ani-yang walang katotohanan ang akusasyon ng mga ito.
Labis na ikinatuwa ng ‘Team Olivarez’ ang ginawang pag-indorso sa kanila ng INC local, na nakabase sa lungsod, kung saan isang ma-laking factor ito para sa kanilang kandidatura. (Armida Rico)