Si Jessie Vargas ang makakalaban ni Manny Pacquiao.
Kung si Bob Arum ang masusunod – at siya naman talaga – sa Nobyembre 6 (PHL Time) ang engkwentro sa Thomas & Mack Center arena.
Suwerte kay Pacquiao ang Thomas & Mack Center sa Las Vegas. Doon pinatulog ni Pacquiao sa third round si Erik Morales sa ikatlong yugto ng kanilang makasaysayang trilodyi noong 2006.
Naroon ako noon. Hindi sa pagyayabang pero bumili ako ng tiket. Ayokong guluhin ang kampo ni Pacquiao. Kinober ko ang laban nang sports editor ako ng Philippine Chronicle.
Pero pusibleng sa Dubai rin ganapin ang Pacquioa-Vargas fight dahil nakikipag-usap umano si Arum sa ilang negosyante mula Middle East.
Matindi rin itong si Vargas, edad 24, WBO welterweight champ at 27-1, 10 knockouts.
Pero siyempre, mas astig pa rin si Pacquiao, 37, may all-time best na 8 world titles sa iba’t-ibang timbang. Siya’y 58-6-2, 38 KOs.
Manggagaling si Pacquiao sa retayrment na ibinando niya matapos ang kumbinsidong panalo laban kay Timothy Bradley Jr. noong Abril 9.
“Kailangan ko pa ring maghanapbuhay dahil walang kita sa Senado,” sabi ni Pacquiao, nanalong senador noong Mayo 9. “Boksing ang aking hanapbuhay at puwede pa naman ako.”
At sa kanyang pagbabalik, masaya muli ang buong Team Pacquiao. Marami sa kanila’y kumikita sa bawat laban ni Pacquiao.