Team Pilipinas tampok sa SMC-PSA Awards Night

Mangunguna ang Team Philippines na nag-overall champion sa 30th Southeast Games 2019 sa gaganaping SMC-Philippine Sportswriters Association (PSA) Awards Night ngayon sa Centennial Hall ng Manila Hotel.

Magiging korona sa Team Pilipinas ang espesyal na gabi na pamumunuan nina world champion at double gold medalist gymnast Carlos Edriel Yulo, women’s world boxing champion Nesthy Petecio at Olympic silver medalist Hidilyn Diaz.

Ang delegasyon ang recipient nang pinakakaasam ng lahat na Athlete of the Year award, mangu­nguna sa malaking bilang ng sports stars at personahe na mga kikilalanin.

Sasamahan ng mga top sports official sa pamumuno ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William Ramirez, Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham Tolentino, International Olympic Committee (IOC) representative to the country Mikee Cojuangco Jawors­ki, at Depu­ty House Speaker at NorthPort team owner Michael Romero ang pinakamatagal na media organization sa bansa na pinamumunuan ni president Tito S. Talao, sports editor ng Manila Bulletin, ang tribute sa mga national athlete na nagbigay dangal sa bansa sa kani-kanilang larangan at disiplina sa nakalipas na taon.

Ang popular na si Efren ‘Bata’ Reyes, na parte ng delegasyon ng bansa sa SEA Games sa edad na 65 taon ang magsisilbing special guest speaker sa gala night na mga presentado ng PSC, MILO, at Cignal TV.

Ang legendary pool icon ay gagawaran din ng Lifetime Achievement Award ng PH sportswriting fraternity.

Nagtala ng record medal 149 ginto, 117 pilak at 121 tanso ang mga atleta upang tulungan ang host na bansa sa pagwawagi sa overall title sa kada dalawang taong palaro sa ikalawang pagkakataon pa lang sa 42 taong paglahok sa SEA Games. (Lito Oredo)