Team Pilipinas tumukod sa Lebanon

Tumukod muli ang Team Pilipinas sa Lebanon, 74-68, sa pangatlong tune-up match Biyernes ng gabi sa Epsilon Chi Center sa UP Campus.

Split ang unang dalawang friendlies ng Filipinos kontra Jordan – 98-82 loss sa first match, 92-83 win by default sa second nang mag-walkout ang Jordanians sa kalagitnaan ng fourth matapos magsigawan sina coach Yeng Guiao at counterpart niyang si Joey Stiebling.

Nagpakawala ng 13 unanswered points ang Filipinos at naidikit ang hinahabol, 57-55, pagkatapos ng three, huling nanindak sa 60-59 sa bukana ng fourth mula sa layup ni Arwind Santos, pero hindi naagaw ang manibela.

Bukod kay Santos, sina Japeth Aguilar, Marcio Lassiter, June Mar Fajardo, Troy Rosario, Stanley Pringle, Greg Slaughter, LA Tenorio, Matthew Wright, Ricci Rivero, Scottie Thompson, Jayson Castro at Poy Erram ang ginamit ni Guiao.

May isa pang tune-um match ang Filipinos kontra Lebanese din ngayong gabi bago ang dalawang home games sa fifth window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Iho-host ng Pilipinas ang Kazakhstan sa Nov. 30 bago ang Iran sa Dec. 3 parehong sa MOA Arena. (Vladi Eduarte)