Team Sibol ipapakilala

Pormal na ipapakilala ngayong umaga ang mga miyembro ng pambansang koponan sa electronic sports na lalahok sa 30th Southeast Asian Games 2019 eSports na kilalang Team Sibol.

Isa-isang bibigyan ng pagkakataon ang 27 manlalaro na maipakilala sa lahat ng mga tagasunod ng bago pero malawak ng sport sa bibitbit ng bandila ng bansa sa SEA Games na susulong sa Nobyembre 30-Disyembre 11.

Ang 27 ay maghahati-hati sa anim na paglalabanang sports na DOTA 2, Tekken 7, Heartstone, Arena of Valor, Mobile Legends: Bang Bang at StarCraft.

Umaasa ang Pilipino eGamers na masusungkit ang pinakamaraming ginto sa anim na araw na torneo nila na gaganapin sa Disyembre 5-10 sa The Arena, San Juan City.

Gayunman, inaasahan na magiging mapanghamon ang pagsasagawa ng torneo para sa Team Sibol dahil maigting na labang ibibigay ng Singapore, Indonesia at Malaysia.

Kakaiba ang prestihiyo na makakamit sa pagwawagi sa eSports dahil makikilala sa buong rehiyon ang kagalingan ng isang manlalaro sa taktika, pag-aaral ng mga galaw at pagdidisktare sa paglalaro ng mga game titles.

Darating din sa bansa sa Nobyembre 4 ang mga delegasyon na sasabak sa eSports sa pagsasagawa ng isang Test Event sa Arena.

Ang Test Event na ito ang inaasahang susukat sa kakayahan ng mga Pinoy.
Akin po itong aabangan.