Abante ang Team Tenorio ng Brgy. Macabalan, Cagayan de Oro at Team Chan ng Sto. Cristo, Baliwag, Bulacan sa National Finals ng PBA Ginebra San Miguel 3×3 Tapang ng Tatluhan.

Naungusan ng Team Tenorio nina John Rey Manatad, Wellard Muñoz, Paulino Pardillo at Joel Sollano ang Team Chan 21-18 sa North Mindanao regionals.

Kinubra ng Team Chan nina Richard Barrientos, Romnick Fajardo, Earnest Efren Reyes at Jeffrey Surio ang North GMA regional title nang itumba ang Team Meralco 21-13 sa final.

Nauna nang bumiyahe sa Nationals ang Team Brownlee (Jonathan Berdan, Israel Buenaventura, Jim-Jim dela Cruz at Adrian Suguillon) na nanaig sa Team Tenorio 17-15 sa Brgy. Bagong Silang, Caloocan; Team Thompson (Shinichi Manasca, Kiervin Revadavia, King John Fadriguela at Mark Allen Daquis) mula Sariaya, Quezon; at Team Ferrer/ERP1 (Jeric Dequilla, Rafael Bin Jamerlan, John Rey Serra, at John Davis Daquingan) ng La Paz, Iloilo.

Ginanap ang torneo sa North Luzon West Central sa Brgy. Maliwalo, Tarlac nitong June 1, at magpapatuloy sa West GMA sa Brgy. Bayan Luma sa Imus, Cavite sa June 8 at Eastern Visayas sa East Awang Gym sa Calbayog, Samar; East GMA sa Ynares Plaza, Brgy. Libis sa Binangonan, Rizal, at North Luzon West Central sa Brgy. Caranglaan, Dagupan, Pangasinan sa June 15; South Luzon West sa Lipa City Cultural Center sa Batangas at North Luzon Central Brgy. Ibayo, Balanga, Bataan sa June 22; at sa North Luzon Central sa Brgy. Pulung Bulu sa Angeles, Pampanga sa June 29.

Uusad ang champion squads sa Regional Finals sa July 5 sa Robinsons Place Manila.

Sa July 7 naman ang championship game sa Smart Araneta Coliseum. (VE)