Teejay Marquez mas sikat sa Indonesia kesa sa Pinas

LALONG sumisikat pala ngayon sa Indonesia si Teejay Marquez dahil hit na hit daw doon ang drama series nilang Siapa Takut Jatuh Cinta, palabas sa SCTV Network. Ang ibig sabihin daw nun ay Whose Afraid to Fall in Love.

Medyo mahirap pa rin daw sa kanya ang adjustment doon sa Indonesia dahil mag-isa lang siyang namumuhay roon at malayo sa pamilya niya.

“Nilakasan ko na lang ang loob ko. Looking to at the brighter side na lang na after this, mas madaming magbubukas na ­opportunities and I’m sure madami akong matutunan from this experience na madadala ko pagbalik ko ng Pilipinas,” pahayag ni Teejay sa isang Skype interview.

Mabuti na lang daw araw-araw silang nagti-taping dahil dalawang oras daw kasi ang airing ng soap nila, at araw-araw itong napapanood. Nakasanayan na raw niya ang ganitong klaseng schedule.

Natutuwa raw siya dahil parang mga Pinoy din daw ang mga fans niya sa Indonesia.

“Sobrang supportive nila. Sobra rin sila mag-express ng appreciation kaya nakakatuwa. Hindi ko naramdaman na iba ako dito. Kumbaga, feel at home ako sa pagtanggap nila sa akin,” saad ni Teejay.

Sobrang miss na rin daw niya ang Pilipinas, pero mukhang matatagalan pa siya roon dahi­l hit na hit itong bagong soap niya.

Mas may career naman siya roon, kaya nag-i-enjoy na siya roon.

Hindi lang daw siya sure kung mapapanood dito sa Pilipinas ang Indonesian soap. Pero may mga ilang soap daw dito sa atin na napapanood doon sa Indonesia. Kagaya ng Pangako sa Yo at On the Wings of Love.