Iniutos ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa National Bureau of Investigation (NBI) na alamin kung ang nagaganap na serye ng pagpatay sa mga teenagers ay sinasadya para isabotahe ang ‘war on drugs’ ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang imbestigasyon ay pinagawa ng NBI kasunod ng isinasagawang imbestigasyon sa kaso ni Kian Loyd Delos Santos, Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo De Guzman alias ‘Kulot’.

“We have to determine if there are other motives other than killing of these teenagers because we can see a trend that is targeting teenagers. This has not happened before when the war on drugs started,” paliwanag ng Kalihim.

Nakiisa si Aguirre sa obserbasyon ni Pangulong Duterte na sinasabotahe at sinisira ang kampanya ng gobyerno laban sa droga.

“This appears to me as an effort to ultimately destroy our police force and of course the President,” dagdag pa ng Kalihim.

Sinang-ayunan naman ni Public Attorney’s Office chief Persida Rueda-Acosta, ang opinyon ni Aguirre.

“It’s obvious already that there’s an agenda in these killings. They are sacrificing teenagers to pursue their agenda. How could they stand doing that?” ayon pa kay Acosta.

Una nang sinabi ni Duterte sa isang panayam na ang kasong pagpatay kina Delos Santos, Arnaiz at De Guzman ay isang pananabotahe sa war on drugs ng Philippine National Police (PNP).