Patay ang isang 17-anyos na dalaga makaraang saksakin ng nobyo nito nang tumanggi sa hirit na makipagtalik sa Tacurong Koronadal City.
Nasawi makalipas ang tatlong oras na pakikipaglaban sa katamayan ang biktimang si Rosalinda Masulot, 17, residente ng Barangay San Pablo, Tacurong.
Napag-alaman sa salaysay ng biktima bago ito bawian nang buhay, inaya siya ng kanyang nobyo na pinangalanan lamang nitong ‘Boy’ na taga-Buluan, Maguindanao, na mamasyal kaya sumama ito pero sa palm oil plantation ito dinala.
Pagdating sa lugar, pinilit ang biktima ng nobyo na magtalik sila pero matigas ang pagtanggi ng biktima na dahilan ng pagwawala ng suspek hanggang sa undayan ito ng magkakasunod na saksak sa katawan at ulo ang dalaga.
Sinikap pang makatakbo ng biktima hanggang may makakita rito kaya naisugod sa ospital kung saan ito na-comatose bago nalagutan ng hininga.
Pinaghahanap na ngayon ng pulisya ang nobyo ng biktima na tumakas matapos ang krimen