Tekla, guguluhin muli si Uge

SUPER TEKLA

ISANG sorpresa na naman ang hatid ng Celebrity Bluff ngayong Sabado (Agosto 26) dahil dadagdag sa kakulitan ni Eugene Domingo si Kapuso comedian Tekla.

Makatulong kaya ang good vibes na dala niya para mas maging competitive ang celebrity players na sina Mel Martinez & Odette Khan, Sinon Loresca & Philip Lazaro, at Angelika & Mika de la Cruz?

O manalo sina Master Bluffer Edu Manzano, Boobay at Chuchay (Gladys Guevarra) sa panlilito sa kanila?

Abangan ang one-of-a-kind game night na ito ng Celebrity Bluff ngayong gabi pagkatapos ng Magpakailanman sa GMA.

***

Isang pagsubok sa pagkakaibigan ng Kapuso comedians na sina Sef Cadayona at Mike ‘Pekto’ Nacua ang magaganap sa istoryang pagbibidahan nila bukas sa Daig Kayo Ng Lola Ko na may pamagat na “Ang Kuneho at Ang Pagong.”

May dayaan kasi sa taunang pagtitipon ng mga hayop sa kagubatan para sa annual sports festival nila.

Si Kuneho (Pekto), ginawa ang lahat para manalo lalo na ang mandaya.

Nang malaman ni­yang sila na lang ni Pagong (Sef Cadayona) ang naglalaban, gagawa siya ng patibong para matalo ito.

Magtagumpay kaya si Kuneho sa plano niyang ito kay Pagong? Sa huli, sino kaya sa kanila ang magwawagi?

Abangan ang nakakatuwang episode na ito ng Daig Kayo Ng Lola Ko bukas pagkatapos ng Hay, Bahay! sa GMA Sunday Grande.

***

Bukod sa suporta ng televiewers, parami rin nang parami ang mga lo­yal Kapuso online.

Umabot na sa 15M ang likes ng official Facebook page ng GMA Network.

Patok ang episode sneak peeks, live chats, Kapuso ArtisTamba­yan, weekly exclusive vi­deos, at monthly na Playlist Live nila.

Sabi ng mga nag-comment, masaya sila para sa milestone na ito at looking forward pa sila sa updates on their favorite GMA shows and artists.