Kinastigo ng isang senador ang mga telecommunication companies sa bansa dahil sa patuloy na pagharang sa panukala na iparehistro ang mga prepaid sim cards upang makatulong sa laban ng gobyerno sa kriminalidad at terorismo.

Ayon kay Senate Majority Leader Vicente ‘Tito’ Sotto III, ang mga telcos na lang ang natitirang tinik sa panukala dahil suportado na ito ng law enforcement agencies tulad ng National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP) at maging ang Armed Forces of the Philippines (AFP).

Noon pang 12th Congress itinutulak ni Sotto ang prepaid sim card registration at hanggang matapos ang 16th Congress ay hindi pa rin ito lumulusot. Ngayong 17th Congress ay muli itong isinampa ng senador sa ilalim ng Senate Bill No. 7

Sa ilalim ng panukala, inaatasan dito ang lahat ng telecommunication companies na irehistro ang bibili ng prepaid sim cards dahil nakikisakay na rin sa mobile phone technology ang mga kriminal at terorista ngayon.

“The benefits of having this kind of technology, however, does not always work for the betterment of the society because pre-paid sim cards are unregistered and untraceable, therefore, it can be used to carry out illegal activities,” paliwanag ni Sotto.

7 Responses

  1. Tama siguro yan, para mabawasan din yung cybercrime tulad sa singapore, hindi ka bibigyan ng Prepaid Simcard, hangga’t wala kang ipinakikitang valid ID like Passport. I think it is the right time to enforced this bill.

  2. sana matuloy na ang batas na iyan dahil malaking tulong ng pagpaparehestro ng bibili ng semecard at hindi maaring makapagtransaction ng mga lord sa pamamagitan ng tawag kasi malalaman ng mga aoturedad at ang mga kidnaper at ibapang mga kawatan ay mapipigilan sa kanilang ugnayan sa kanilang mga kasamahan kaya huwag na pa ipaubaya sa mga telecome compony dapat isabatas dahil ang congress ang gomagawa ng batas hindi ang mga sendikto o mga negosyante

  3. Di po ba Sir ay kayo ang nasa grupo ng mga gumagawa ng batas? Hindi ko po alam ang ugat pero kung isa ako sa gumagawa ng batas ay bakit hindi ko magawa at bakit Telcos ang nagpapasunod sa gumagawa ng batas na dapat sana ay sila ang sumusunod?

    Ayaw ng mga kasamahan mo nyan dahil sila mismo ay apektado.. nagtataka nga ako kung ano ang masama kung irehistro natin ang mga SIM card na yan while sa ibang bansa ay ginagawa naman..

    At diyan ay para maiwasan ang pag gawa ng transaction na gamit ang CP.. pero dahil nga sa kailangan ng mga politiko lalo na kung election period para sa kanilang text brigade kaya hindi pumapayag ang mga hinayupak na yan. So kung may guts kayo isulong nyo hindi puro salita lamang.. tagal na ninyo dyan eh ang opisyal ay hindi pang showbiz lamang kailangan may matapang na paninindigan.. my thought