Mga ka-Misteryo dahil magkakahiwalay ang mga magkakatrabaho at maging Ilang magkakapamilya ay karaniwan na pero hindi lang pinapansin ang telepathy, ang kakayanan ng ating isipan na makipag-komunikasyon sa kapwa o sinumang nilalang.
Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”
Halos lahat ay work from home na habang naka-quarantine dahil sa covid-19. Pero halos hindi natin napapansin na sa ganitong panahon ay karaniwan na ang telepathy sa bawat isa sa atin. Yung iba iniisip na nagkataon lamang na naisip ang isang bagay pero yun din ang naisip ng kapwa.
Tulad na lamang ng karanasan ni Willy ng Pampanga na kailangan niyang umuwi sa probinsiya mula sa Maynila bago pa ipinatupad and Luzon-wide enhanced community quarantine. Dahil work from home ay lagi na siya nakababad sa computer at cellphone.
Inusisa ng #Misteryo ang karanaaan ni Willy.
Misteryo: “Paano yung sinasabi mong gumagana ang telepathy mo? Sadya mo bang ginagawa Ito o nagkataon lamang tulad ng paniniwala ng iba?”
Willy: “Noong una akala ko nagkataon lang pero nang sadya ko nang gawin ay pwede pala at talagang meron pala tayong telepathic power.”
Misteryo: “Ano ba ang ginawa mo? Ginawa mo ba ito sa mga katrabaho lalu na at work from home na rin kayo?”
Willy: “Ganito yun. May time na nahihirapan ako sa pinagagawa sa akin ng boss ko kasi nasa IT nga ako, kailangan kong humingi ng alalay sa ibang kasamahan ko pero ang problema tulog na sila kasi disoras na ng gabi. Hopeless na ako kasi kailangang gawin agad.”
Misteryo: “Kung disoras ng gabi at tulog na ang mga katrabaho mo natural baka naka-off lahat ng phone nila at iba pang gadget?”
Willy: “Exactly, kaya parang gusto ko magwala delikado Eh kailangan tapusin yung pinagagawa ng boss. Kaya umupo ako sa isang tabi, nag-isip ng malalim at biglang sumagi sa aking isip na tila may nag-suggest na isipin ko daw ang mukha ng katrabaho ko at paulit ulit kong sambitin na saklolo…patulong! Aba…Ilang minuto ang lumipas, nagmessage sa akin si Romy at naalimpungatan daw siya sa pagtulog parang narinig ang voice ko humihingi ng saklolo kaya kinausap niya ako, ayun naresolve problema namin with our boss.”
Simpleng pamamaraan pero pwede nga mangyari, baka kayo meron ding katulad na karanasan ng telepathy, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph