Ito ang namutawi sa bibig ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa na tumutukoy sa mag-asawang­ hinihinalang dawit sa illegal drug trade sa Iloilo.

Kahapon, sinabi ni Dela Rosa na hindi ito naniniwala sa mga pahayag ni Melvin Odicta, ang suspected drug lord, na personal na nagprisinta ng sarili sa Camp Crame kamakalawa kasama ang asawa na hindi pina­ngalanan.

“Nag-surrender kuno­ doon sa Maynila, pero hindi sa akin nag-surrender. Dini-deny na hindi daw siya drug lord,” pahayag ni Dela Rosa sa kanyang talumpati sa Iloilo sa pagbisita nito sa Region VI Police Office.

“Ano siya? Sinong niloloko niya? Kayo? ‘Di ba alam ninyo na siya ang drug lord tapos magdi-deny na hindi siya drug lord? Tell it to the marines!” dagdag pa nito.

Kamakalawa nang magtungo si Odicta kasama ang misis nito kay Interior and Local Government Secretary Mike Sueno dahil umano sa mga tinatanggap na pagbabanta na sangkot sila sa iligal na droga.

Ang mag-asawang Odicta ay una nang pinayuhan na iprisinta ang sarili kay PNP chief pero nagpasya silang maki­pagkita naman kay Sueno­ sa kadahilanang taga-Iloilo rin ang nasabing opisyal.

Sinabi ni Dela Rosa na napaka-influential ni Odicta at kayang magbayad ng fiscal, police, judge. Lahat puwedeng bayaran dahil sa napakaraming pera ng mag-asawa.

“Puwedeng magpapatay ng tao, ng police, o sinumang gusto nilang ipapatay dahil sa dami ng pera nila,” dagdag ni Dela Rosa.

“Right now, we should be one in telling these people noon puwede, ngayon hindi niyo na puwedeng gawin ‘yan,” giit pa ng chief PNP.