Palaisipan ngayon sa mga awtoridad ang ginawang pagpapatiwakal ng isang dalagang teller ng bangko matapos itong magbigti kamakalawa ng umaga sa Makati City.
Kinilala ang biktimang si si Junah Mae Navarro, 28, teller ng BDO sa SM-Ayala at nakatira sa Unit 101-B, no.3307 Liwag Building, Matanzas St., Brgy. Palanan.
Ayon sa report na natanggap ng Southern Police District (SPD), alas-6:55 ng umaga nang matagpuan ang biktima ng kanyang kinakasamang si Jay-Ar Ramirez, 27, binata, isang computer programmer sa kuwarto ng kanilang tinitirhan sa naturang lugar.
Sa pahayag ni Ramirez sa pulisya, paggising niya ay tumabad sa kanya ang biktima na nakatali ang leeg ng isang fabric belt at nakabigti sa tubong bakal ng kurtina at nakatali sa railing ng kanilang bintana.
Kaagad aniya niyang pinutol ang fabric belt na nakatali sa leeg ng kinakasama at mabilis niyang dinala sa naturang pagamutan ang dalaga, subalit hindina ito umabot ng buhay.
Sa ngayon ay nagsasagawa pa ng malalimang imbestigasyon ang pulisya hinggil sa motibo ng umano’y pagkakakamatay ni Navarro.
Ang labi ng biktima ay pansamantalang inilagak sa isang funeral homes upang isailalim sa awtopsiya para masigurong walang naganap na foul play.