Tila inako ni Jeron Teng ang papel ng import, lumaklak ng mga team high 20 points at 15 rebounds nang daanan ng Alaska Milk ang NLEX via 100-87 win sa 44th Philippine Basketball Association 2019 Commissioner’s Cup eliminations Miyerkoles ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay.
May 17 markers at 12 boards lang si Chris Daniels, pero naka-17 puntos rin si Chris Banchero at may 10 bawat isa pa sina Simon Encisco, Carl Bryan Cruz at Jvee Casio para makapiglas sa kambal na semplang ang AM at umakyat sa solo fifth sa 2-2 win-loss record.
Umasarol si Tony Mitchell ng 34 pts. at 8 rebs. habang may 16 at 12 si John Paul Erram at tig-10 pts. sina Juan Miguel Tiongson at Kenneth Ighalo sa pagsubasob pa ng NLEX sa 0-3, kakartada ng bakanteng Columbian.
Sa magkasunod na salpak ni Mitchell lang pumalag ang Road Warriors sa 4-2 lead sa opening quarter. Pero mula roon naging anino na lang kung saan umabante ang Aces ng hangang 19 puntos tapos ng three-point shot ni Casio sa simula ng final period, 77-58.
Ang iskor:
Alaska 100 – Teng 20, Banchero 17, Daniels 17, Casio 10, Cruz 10, Enciso 10, Pascual 7, Thoss 6, Racal 3, Exciminiano 0, Potts 0.
NLEX 87 – Mitchell 34, Erram 16, Tiongson 10, Ighalo 10, Galanza 6, Soyud 6, Taulava 2, Tallo 2, Magat 1, Baguio 0, Fonacier 0, Rios 0, Lao 0, Varilla 0.
Quarters: 22-17, 46-35, 74-58, 100-87. (Lito Oredo)