Mga laro sa Miyerkoles: (Smart Araneta Coliseum)
4:30 p.m – Magnolia vs Columbian
7:00 p. m. NLEX vs Alaska
Lumaklak si Lewis Alfred Tenorio ng all-around game na 23 points, 8 rebounds, 5 assists at 3 steals sa 38min., 12sec. job upang timunan ang Barangay Ginebra San Miguel na senglutin ang Phoenix Pulse, 100-97, sa PBA Philippine Cup elims game Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.
Bumangon sa 10 points down sa salpukan, nakabuwelta rin ang Gin Kings sa 104-78 loss sa Alaska Milk noong Marso 3 sa Ynares Center upang sumampa sa fifth spot sa 5-3 win-loss record, habang dausdos ang Fuel Masters sa 8-2 kahit ‘di natinag sa tuktok.
Pero si Aljon Mariano ang nagsigurado sa pagbabalik tikas-teksas ng Ginebra sa sinalpak na dalawang free throw sa huling apat na segundo mula sa foul ni Calvin Abueva tungo sa final tally. Gayundin ang pagbutata ni Japeth Aguilar kay Abueva sa endgame.
May tsansa pang mahablot ng Phoenix ang panalo. Pero kumabyos sa buzzer-beating triple si Matthew Wright na kinalagot ng tatlong ratsada ng brigada.
Ang scores:
Ginebra 100 – Tenorio 23, Mariano 20, Slaughter 18, Chan 13, Aguilar 11, Thompson 5, Cruz 4, Dela Cruz 4, Mercado 2, Caperal 0, Ferrer 0.
Phoenix 97 – Abueva 15, Kramer 14, Jazul 13, Chua 13, Wright 10, Marcelo 10, Perkins 9, Mallari 9, Revilla 2, Mendoza 2.
Quarters: 18-24, 40-46, 72-76, 100-97.