TUMAAS ang blood pressure ng comedian/politician na si Teri Onor habang nakasalang sa Quiz Vee ng Eat Bulaga noong Lunes.
Si Teri ang isa sana sa “Mother Goose” sa segment na ‘yon, pero dahil tumaas ang BP niya, pumalit sa kanya si Sinon Loresca.
Si Boobay ang isa pang “Mother Goose” na last year ay dumanas din ng health crisis.
Nang hapon na ‘yon ay nakita pa namin si Teri sa studio ng Eat Bulaga at kagagaling lang daw niya sa St. Luke’s sa may E. Rodriguez, Quezon City.
Itinakbo siya roon dahil sa pagtatas ng kanyang blood pressure.
Noong Linggo nang gabi ay nakainom si Teri dahil nagpunta siya sa pa-party ni Jose Manalo.
Noong Lunes nang umaga ay kumain lang siya ng cup noodle at nakasama yata iyon sa kanya, kaya nahilu-hilo siya at tumaas ang kanyang blood pressure.
“Tatlong oras din ako sa hospital. Nilagyan ako ng IV, pero nang OK na ako, pinauwi rin ako,” sey ni Teri nang makausap namin na parang hinang-hina.
That afternoon, may taping sana si Teri para pa rin sa nasabing segment ng Eat Bulaga (nagte-tape sila dahil karamihan sa hosts ay pupunta ng Japan), pero hindi na siya isinalang dahil mukhang mahina pa siya.
“Kailangan ko lang daw mag-rest,” sey ni Teri.
Si Boobay na nakatsikahan din namin that time ay pinayuhan namin na huwag masyadong aariba sa napakaraming trabaho dahil nagkaroon na siya ng health crisis last year.
Ang sabi niya, binawasan na talaga niya ang tanggap ng trabaho.
Hindi na rin masyadong nagpupuyat si Boobay.
***
Nakita namin si Iza Calzado sa isang restaurant sa Podium mall (Ortigas Center)..
Kumakain siya kasama ng ilang relatives. Nakita siya ni Ruffa, kaya nagtsikahan sila.
“Ay, I have your (birthday) gift!” sey ni Ruffa kay Iza at saka ipinakuha ‘yon.
“Naku naman, nag-abala ka pa,” sey naman ni Iza.
“Naku, maliit lang ‘yon, it’s not a house and lot. Hahaha!” sabi ni Ruffa.
Good friends sina Ruffa at Iza noon pa man na nagkasama sila sa Desperadas movie.
Madalas na nagkakasama sina Ruffa at Iza sa mga event.
***
Sa pa-interview para sa My Korean Jagiya ng GMA 7, biniro namin si Ricky Davao tungkol sa bading role niya sa series.
“Naku, baka matsismis ka!” sey namin.
Tawa lang nang tawa ang actor/director at biniro rin kami ng, “Ikaw ang peg ko sa role ko!”
Isa si Ricky sa mga aktor na walang takot kahit gumanap na bading.
***
Six months na ang ipinagbubuntis ni Pauleen Luna-Sotto, pero may pagkakataon na hindi halata ‘yon sa suot niyang damit.
Nang minsang may suot siya na parang may ribbon sa bandang tiyan, parang hindi buntis ang dating ni Pauleen.
Hindi halata sa suot niya ang umbok ng kanyang tiyan.
‘Yung mukha kasi ni Pauleen, hindi lumaki kahit buntis siya, kaya minsan, mapagkakamalan mo na hindi siya buntis.