Mauuso ang term extension sa mga halal na opisyales ng gobyerno kapag pinayagan ang panukalang magkaroon ng hold over capacity ang mga barangay official dahil sa pagpapaliban sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) election.

Sa press conference ng Makabayan bloc sa Kamara kahapon, tinututulan din ng mga ito na ipagpaliban ang halalan lalo na kung ang mga nakaupo ngayon na barangay captain at barangay kagawad ay magpapatuloy sa kanilang tungkulin.

“Ang reservation lang natin dito kasi parang term extension ito. Unfair ito pag may ayaw na captain ang mamamayan tapos ie-extend ito,” ani Bayan Muna Rep. Carlos Zarate.

Ganito rin ang paha­yag ni ACT party-list Rep. Antonio Tinio. “Ca­tegorically ayaw natin to. Usapin ng mandate. Hinalal ka ng mamayan para sa depenidong termino lang. On that basis ay tutol tayo,” ani Tinio.

Sinabi naman ni Kabataan party-list Rep. Sa­rah Elago na imbes na pag-initan ang mga kabataan ay dapat munang asikasuhin ang problema tulad ng mataas na matrikula, kontraktuwalisasyon at iba pa.