Terminals sa Edsa aalisin na

provincial-bus

Aprubado na ng Metro Manila mayors ang pag-aalis ng mga bus terminal sa EDSA.

Inaprubahan ito sa ginanap na pulong kahapon ng Metro Manila mayors­ na siyang bumubuo ng Metro Manila Counci­l (MMC) at nagsisilbing policy making body ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sa pulong, pinagti­bay ang resolusyon na alisin na ang mga bus terminal sa EDSA bilang ­bahagi pa rin ng pagresolba ng problema ng trapiko sa Metro Manila.

Ayon kay MMDA Chairman Emerson Carlos, dahil sa naging hakbang, kailangang simulan na ang paghahanda ng mga alkalde na may mga bus terminal sa kanilang nasasakupan.

“They approved the removal of bus terminals in Edsa. It is now up to them (mayors) to prepare for the eventual removal,” ayon kay Carlos.