Terorista manggugulo sa BOL plebiscite

May plano umano ang ilang ISIS inspired local ­terrorist group na maghasik ng kaguluhan sa mismong araw ng plebesito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL) sa Lunes, Enero 21.

Ito ang ibinunyag ni Police Regional 12 Director Chief Supt. Eliseo Tam Rasco matapos maaresto sa Cotabato City noong Martes si Abu Bakar Pagayao alyas ‘Jing Kario’ na umaming miyembro ng Ansar Al Kilafa Philippines, isang ISIS inspired local ­terrorist group.

Kabilang si Pagayao sa Martial Law Arrest Order number 2 na inilabas ng Defense Department na naaresto ng pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya kaya’t nabuking ang kanilang plano.