Tiniyak kahapon ng liderato ng Philippine Army na uubusin nila ang mga miyembro ng Abu Sayyaf na nasa likod ng magkasunod na pagpapasabog sa Our Lady of Mount Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu kung saan 22 katao ang namatay at higit 100 iba pa ang nasugatan.

Ipinahayag ito ni Philippine Army commander Lt. Gen. Macairog Alberto habang patuloy ang isinasagawang ground assault operation ng mga tropa. Terorista na, kriminal pa

sa Sulu uubusinng gobyerno laban sa mga miyembro ng Abu Sayyaf sa Patikul, Sulu.

Siniguro ni Alberto na tutugisin nila ang mga ‘terrorist criminal’ hanggang sa tuluyan nang maubos ang mga ito para na rin sa kaligtasan ng mamamayan at upang maibalik ang normal na pamumuhay ng mga tao sa lalawigan ng Sulu.

Noong Sabado nang umaga ay nagkaroon ng bakbakan sa pagitan ng mga tropa ng 5th Scout Ranger Battalion at Abu Sayyaf sa bayan ng Patikul.