Hindi pinapasok ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa bansa ang isang Mongolian na babae na nambugbog­ sa kanyang asawa at hinihinalang tero­rista mula sa United Kingdom.

Kinilala ng BI Port Operations Division Chief Grifton Medina, ang 33-anyos na Mongolian na si Unurjargal Altantse­tseg, na hinarang noong Biyernes sa Mactan Cebu International Airport mula sa Incheon, South Korea.

Sinabi ni Medina na ang babae ay kasama sa red notice na inilabas ng Inter­pol noong Abril ng nakaraang taon dahil­ sa isang kaso ng pagmamaltrato na isinampa laban sa kanya sa isang korte sa Ulan Bator, Mongolia.

Marso 9, 2019 nang bugbugin umano ni Altantsetseg ang kanyang asawa habang sila’y nagtatalo na nagresulta sa pagkabulag at malubhang pagkasugat ng asawa.

Samantala, isang 51-anyos na Briton ang hindi pinapasok sa NAIA Terminal 3 noong nakaraang linggo.

Ang dalawang pasahero ay binabaan ng exclusion order at nai-book agad sa unang biyahe sa kanilang pinanggali­ngang bansa. (Mina Aquino)