RIO DE JANEIRO CITY (AP) — Nalambat ng police ang last suspect wanted na nakikisimpatiya sa Brazilian para sa Islamic State na umano’y tumatalakay sa pag-atake sa susunod na buwang 31st Summer Olympic Games.

Inihayag ng Fede­ral Police noong Linggo na ang lalaking nahuli ay sa Comodoro City sa gitnang rehiyon ng Brazil.

Dinagdag ng authorities na ipiniit sa federal prison ang suspek na ‘di na lang muna binunyag ang pagkakakilanlan.

Pero kinumpirma ng mga miyembro ng pamil­ya ng supek na ang nahuli ay ang 32-year-old na si Leonid El Kadre de Melo, isang mecha­nic mula sa Mato Grosso state.

Naiulat ang anti-terror case nang 10 Brazilians ang mga naaresto sa magkakaibang lugar, nagpataas pang lalo sa pangamba sa seguridad ng palaro sa Agosto 5-21. Isa pang lalaki ang nadakip nung Biyermes.