KUNG isasapelikula ang mga kaganapan sa ating lipunan at political arena, dapat bang bastos ang titulo para mas thought-provoking at maiintriga ang mga manonood?
Ang bet kong gumanap na the Great Waray Imelda Romualdez Marcos ay si Ms. Tessie Tomas o Ms. Ali Sotto.
Pwede ring si Angel Aquino, basta patatandain siya na parang very difficult gawin.
Sa true lang, si Ms. Charo Santos-Concio ang perfect na maging The Imedific.
Pawang mga de-kalibreng aktres ang apat at alam mong kaya nilang ibigay ang tamang nuances at textures na kailangan para sa larger than life persona that is Mrs. Marcos.
***

Eh kay Bongbong?
Bet ko sana si Mark Bautista dahil gumanap na itong the Makoy sa ibang bansa.
Wala na kasing lalaking artista as of the moment na parang kaidaran ni BBM na bagay sa beauties of the quartet examples na maniniwala tayong pwede silang mag-ina.
Pwede siguro si Rocco Nacino as BBM, kasi, charming ito at parang magka-height sila.
***

Mas mahirap i-casting direk si Imee Marcos.
Wala na kasing artistang babae sa kasalukuyan na malukong na ang fezlak tapos may pagka-fag hag pa.
Keribels siguro ni Eula Valdez dahil sosyalin si Ms. Valdez at alam mong she has the emotional gravitas to play the role.
Suntok sa buwan pero pakiwari ko, kayang-kaya ni Mimi Juareza na maging Imee Marcos.
Babaeng bakla naman si Ms. Imee at lady boy si Ms. Mimi so match na match, hindi ba naman?
***
Hindi ko rin sure kung sino ang pwedeng maging Ms. Irene Marcos-Araneta.
Physically, pwede sana si Bernadette Sembrano kasi they sport the same hairdo.
Kaya lang, hindi naman aktres si Ms. Sembrano. News broadcaster ito.
Kung patatabain si Kim Chiu, keribels na sana. Kaso, putting weight is next to impossible at mahirap patandain ang eternally sunshiny persona ni Chiu.
***
Sa nagbabanatang mga Senador… kay Gordon, Leo Martinez will kill the role at si Richard Gomez ang Senador Trillanes.
Eh sa role na Presidente Digong?
Perfect sana si Jose Manalo pero kaya niya ba ang magdrama? Feeling ko, kaya rin ni Pen Medina dahil napakahusay nitong aktor.
For good measure, kung ibibigay ito kay John Arcilla, he will take it as his greatest acting challenge.
***
Kailan kaya matatapos ang mga bangayan at imbestigasyon na suppossedly eh in aid of legislation?
Marami-rami na rin tayong mga batas pero bakit parang mas tumatapang ang mga ganid at sukab?
Sabi sa isang kanta, kayraming dugo na ang inialay para sa Pilipinas nating mahal, pero bakit ayaw pa rin nating dumilat, tila ang pag-aaklas at pakikibaka, hindi na natin gusto?