Testigo sa Maguindanao massacre tinambangan

Nasugatan ang isang saksi sa Maguindanao massacre matapos itong tambangan.

Nangyari ang insidente habang lulan ng sasakyan ang biktimang si Mohamad Sangki nang pagbabarilin ito sa Tantangan, South Cotabato, Miyerkules ng umaga.

Ayon sa abogado ng mga biktima ng Maguindanao massacre na si Atty. Nena Santos, bukod sa nasabing testigo ay nasugatan din ang bodyguard nito.

Nasugatan ang saksi nang bumangga ang sasakyan nito sa kasagsagan ng pananambang.

Sinasabi namang nasugatan ang isa sa panig ng mga salarin nang makaganti ng putok ang security ni Sangki mula Witness Protection Program.

Sa ngayon ay patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad.