Tetay nagpatama sa asawa ni Korina

Putak ni Kris niresbakan ni Falcis

Sinagot ni Kris Aquino ang isang basher na nagtanong about Korina Sanchez.
“Kris anong feeling na masaya si korina sa kambal nya at asawa? Anong feeling na walang lalaking nagmamahal sayo?” tanong ng netizen.

Maigsi lang pero patama kay Mar Roxas na asawa ni Korina ang sagot ni Kris.
“If you feel this comment will give her husband 4.2 million more votes best of luck to you,” ang sagot ni Kris.

Hindi naman kaila sa lahat na nagkaroon ng rift sina Korina at Kris nang maglabas ang una sa “Rated K” ng interview kay James Yap, na ikinagalit ng huli.

Matatandaan ding kamakailan ay naglabas ng galit si Kris kay Mar dahil sa naging pahayag ng campaign manager ng senatorial candidate na tila binabanatan ang kanyang kapatid na si former President Noynoy Aquino.

Sa comment section ay naglabo-labo ang mga netizen at muli tuloy nabuhay ang away nina Kris at Korina. Pero marami rin namang nagtanggol sa una at binanatan din nila ang basher na nagtanong ng rude question.
***

Ken-Rita ayaw lokohin ang mga fan

Ang saya-saya ng feeling ni Ken Chan na naging napakainit ng pagtanggap ng mga tao sa BoBrey loveteam nila ni Rita Daniela. Kahit tapos na ang “My Special Tatay” ay tuloy-tuloy pa rin ang team-up at ngayon ay may upcoming concert pa sila.

“Sabi ko nga kay Rita nu’ng patapos pa lang ang ‘My Special Tatay’, sabi ko, ‘sana, magkaroon pa tayo ng projects ‘no? Sana pagkatapos nito, may kasunod,’” pahayag ni Ken sa presscon ng “My Special Love – #BobBreyinCONCERT.”

Dininig naman daw ang dasal nila dahil pagkatapos ng “My Special Tatay” ay binigyan agad sila ng concert.

Ayon pa kay Ken, dream din daw niya talaga ang magkaroon ng concert kaya naman ang sarap daw talaga ng feeling na natupad na ito.

Hindi nga raw nila ine-expect na magbu-boom ang BoBrey loveteam sa “My Special Tatay.” Hango sa mga pangalan ng karakter nila sa serye na Boyet and Aubrey ang pangalan ng team-up at hanggang nga­yong tapos na ang show ay ito pa rin ang tawag sa kanila ng mga tao.

“Happy ako na ang daming fans ang sumusuporta, sino ba naman ang hindi, ‘di ba? Sob­rang suwerte namin dahil may naniniwala sa love team namin ni Rita and nakakatuwa dahil mapa-estudyante, mapa-5 years old, 3 years old na nakikita ko, niyayakap ako, kami ni Rita sa daan, hanggang matanda, pa-lola, so talagang walang pinipiling age ‘yung sumusuporta sa amin,” sabi ni Ken.

Say naman ni Rita, talagang never din niya in-expect na magiging ganito kainit ang pagtanggap ng tao sa team-up nila dahil nga kontrabida raw siya sa serye.

“Saan ka nakakita, kontrabida tapos biglang nagkaroon ng love team? Tapos biglang naging leading lady siya, tapos biglang nagka-love team. So, parang you see how God really works,” sey naman ni Rita.

Hindi ba sila nape-pressure sa mga fan na humihiling na sana’y magkatuluyan din sila in real life?

“Pwede po bang work muna?” natatawang sagot ni Rita. “Kasi, ang tagal po namin itong hinintay ni Ken, you know, and we really worked hard for it, where we are right now.

“And totoo ‘yun, napag-usapan namin ‘to na honestly, right now, we’re feeling anything, eh. We’re just really happy being together. We’re really happy working with each other. And ayaw naming sayangin, eh.”

Na-aapreciate raw talaga nila ang support ng fans, pero ayaw naman daw nilang lokohin ang mga ito.

“I don’t wanna lie, I don’t wanna give false hope to them, kasi sila ‘yung sumusuporta sa amin, so bakit namin sila lolokohin? And everyone deserves the truth,” saad ni Rita.

Sa concert nila na gaganapin sa May 11 sa Music Museum at 7pm ay marami raw silang pasabog sa fans.

“Ikukuwento namin kung paano namin narating ‘yung mga pangarap namin sa buhay through our concert and through the songs we will be performing.
Maraming throwback na mangyayari,” sabi ni Ken.

Makakasama nina Ken at Rita sa concert stage ang “The Clash” alumni na sina Jong Madaliday, Garrett Bolden at Anthony Rosaldo.