TEXTERS RERESBAK SA BOLTS

Mga laro ngayon (Smart Araneta Coliseum)
4:15 p.m. — Blackwater vs. Rain or Shine
7:00 p.m. — Meralco vs. TNT

Unahan sa pagbalikwas mula sa talo sa huling laro ang Rain or Shine at Blackwater sa rambulan nila mamaya sa PBA Phi­lippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Ang mananalo sa Elasto Painters o Elite ay hindi mababaklas sa pakikisalo sa liderato, ang mata­talo ay malalaglag sa se­venth-running spot.

Sa nightcap ay balya­han din ang sister teams TNT KaTropa at Meralco.

Sinipa ng Bolts ang Texters sa nakaraang Governors Cup semifinals, kaya panigurado ang namumuong resbak ng TNT.

“Defense is key in beating Meralco,” lahad ni KaTropa coach Nash Racela, pinarendahan kay chief assistant Josh Reyes ang team sa unang tatlong laro. “We need to co­ver their young guys who speed up their game and give them a different dimension on offense.”

Depensa rin ang gagamiting armas ni Norman Black laban sa katunggali.

“Our game versus TNT will be a big test for us,” anang Bolts coach. “They are one of the strongest teams in the league so we must play our best basketball. Slowing down the high-scoring combo of Jayson Castro and Ranidel (De Ocampo) will be our main focus, but we will also have to keep track of their shooters.”

Noong Linggo ay yumuko ang Rain or Shine ni coach Caloy Garcia sa Ginebra, 81-74, at natikman ng Painters ang ­unang talo matapos ang dalawang sunod na pa­nalo. Ganito rin ang nangyari sa Blackwater ni Leo Isaac na matapos ilista ang franchise-best 2-0 start ay ibinalik sa lupa ng TNT, 99-92, noong Sabado.